Pagibig parang sapatos

Ang Pag-ibig Parang Sapatos Lang…

Iba't iba ang tao. Iba't iba ng kulay, uri, anyo, laki at amoy - oo, amoy. At dahil iba't iba tayo, iba iba rin tayo ng laki ng paa, at iba iba rin ng paraan ng pagbili ng sapatos.

 

Tingnan Mo Muna Kung Tatagal

Ang pag ibig parang sapatosMinsan, pag bumili tayo ng sapatos, tinitingnan natin yung presyo.

Minsan, kahit hindi masyadong maganda, basta mura, bibilin naten.

Ang kaso, pag mura, - although hindi naman lagi - disposable. Isang gamitan lang. O di kaya, in two months, sira agad.

Yun ang value ng pera mo.

Akala mo nakamura ka. Akala mo good move. And hindi mo alam, ambilis nya masira. Yung value ng pera mo, hindi umabot sa expectation mo sa itatagal ng sapatos mo.

Pero bakit, kahit alam nating masisira agad, bumibili pa rin tayo?

Siguro kasi naiisip natin, mura lang naman. Kung masira man, di naman masyadong kawalan.

Mas ok nga kung yung sapatos lang ang nasisira.

Minsan, pati paa mo sisirain nya.

May sirang sapatos ka na, may sirang paa ka pa.

Ang pag ibig parang sapatos

Meron namang mga taong bumibili ng mahal na sapatos. Limang libo, anim, minsan mas mahal pa.

Minsan, nagpunta ako sa ground floor ng Bench Tower sa BGC, up to 80% daw ang sale.

True enough, nakakita ako ng magagandang sapatos na mas mataas pa sa monthly salary ko ang presyo.

Nakakita ako ng pares na tila nangungusap, ang ganda ganda ko, bilin mo na 'ko. 

 

Mas ok nga kung yung sapatos lang  ang nasisira.

Minsan, pati paa mo sisirain nya.

May sirang sapatos ka na, may sirang paa ka pa.

 

Pagtingin ko sa signboard na nakalagay sa ibabaw nya, 70% off. Wow! Meant to be.

Paghawak ko, napakalambot, napakasarap.

Sinukat ko, wow perfect fit. Parang Cinderella lang.

Inamoy amoy ko sya. Eto na. Mapapasa-akin ka na.

Kaso, pagtingin ko sa price tag na nakadikit sa loob ng sapatos, tumataginting na P9,000.

Akala ko ba 70% off? It turns out, kahit sobrang laki nung discount, di ko pa din mareach!

So ayun, inamoy ko na lang sya ulit. Di bale, masaya na ako sa idea na muntik na syang maging akin.

Tapos pagbalik ko kinabukasan, yung sapatos na muntik ng maging akin, pagkatapos naming magkaron ng moment, sumama na sya sa iba. In short, may nakabili na sa kanya.

 

Wag Kang Magtiis Kung Nasasaktan Ka Na

Ang pag ibig parang sapatosMeron akong kaibigan na bumili ng sapataos na ganun. Nangusap din sa kanya, inamoy amoy din nya. Pero ang pinagkaiba namin, ako umuwi ng walang dala; sya, nagkatuluyan sila nung sapatos.

Kaso, pag gamit nya kinabukasan, hindi pa sya nakakarating sa office, paltos na ang paa nya. Aray!

Hinubad ba nya yung sapatos? HINDE!

Ginamit nya buong maghapon. Sinubukan nyang lagyan ng band aid yung paltos nya. Walang nangyare.

Hindi sya nakapagtrabaho sa sakit!

Hindi sya nakakain, hindi sya nakalakad.

Pero... nasuot pa nya yung sapatos ng dalawang linggo.

Anung nangyari pagkatapos ng dalawing linggo?

Sinamahan ko sya sa ER sa lalim ng peklat na dinulot ng mabangong sapatos nya.

Tapos habang nasa ER kami, tinanong ko sya "friend, bakit ginamit mo pa rin yung sapatos mo kahit massakit?" May natutunan ako sa sagot nya.

Sabi nya: kase, ang sarap nung, kapag nakikita nila yung sapatos ko, sinasabi nila, uy ang ganda, mahal yan 'no? tsaka, uy, ingatan mo yan, mahal pa naman. Ayokong makita nilang nasasaktan ako kase gandang ganda sila sa sapatos ko. Kahit nga yung band aid na nilagay ko ayaw ako makita nila.

 

Parang Ganyan lang ang Pag-ibig

Ang pag ibig parang sapatosNaisip ko tuloy, ang pag-ibig parang pagbili lang ng sapatos.

Minsan, sa kagustuhan nating magkaron ng relasyon, ng boyfriend or girlfriend, ok na tayo sa mura na hindi tinitingnan yung kalidad ng tao o relasyon.

Mahal nya ba ako? Seryoso ba sya? Magtatagal ba kami?

Hindi natin tinatanong ang mga bagay na ito kase, wala tayong pake. Basta sa ngayon, may sapatos ako sa paa ako, este, may boypren ako sa tabi ko.

E pano kung masira ang sapatos - pano kung di magtagal?

Minsan iniisip natin na, malay mo, kahit mura, magtagal.

Malay mo, ganito sya ngayon, magbago sya - magseryoso.

Friend, wag kang magtaka kung, sa bandang huli, masasaktan ka. Kasi - more often than not - hindi mo mababago ang isang bagay na ganyan na talaga.


Tapos meron din namang mga taong, parang bumili ng sapatos na sobrang mahal.

Ipagpipilitan ang sarili sa sa isang size 6, pero nagbubulag-bulagan sa katotohanang hindi na nya mababago ang paa nyang size 9.

Dahil akala nya, na sya na, wala nang iba, ipipilit nya at titiisin ang sakit, mapakita lang na ok lang ang relasyon, ok lang sila, ok lang sya.

Parang paglalagay lang ng band-aid, oil, kandila, at kung anu pang epektus sa sapatos na nadinig nya sa matatanda  -- magpopost sya ng mga status message, pictures, at kung anu anu pa sa social, media pretending they're ok, para lang hind malaman ng mga taong malalapit sa kanya ang toxicity level ng relasyon nila.

Wag kang magtaka kung, sa bandang huli, masasaktan ka.

Kasi, hindi mo mababago ang isang bagay na ganyan na talaga.

Bakit nya ginagawa ito? Kase ayaw nyang malaman ng mga taong mahina sya. Kase ayaw nyang masabihan syang mali ang desisyon nya sa pagbili ng sapatos o pag pili sa boypren nya.

Kase... ayaw nyang masabihang tanga.

 

Bibili ka ba ng Sapatos?

Ang pag ibig parang sapatosFriend, kung hindi pa ubos ang 13th month mo, at bibili ka pa lang ng sapatos, basahin mo muna 'tong quick tip ko para sa'yo.

Just the same, kung kakaalis mo pa lang sa isang toxic relationship, - congratulations - or kung naghahanap ka pa lang ng toxic, este, bagong relationship, basahin mo rin ito:

1. Ok lang na gumastos, pero pag toxic na, wag mong panghinayangan ang presyo - Kahit ga'no pa sya kamahal, kahit gaano pa katamis ang memories n'yo together, let go if it hurting you.

Bago ka makapagbigay ng pagmamahal sa iba, mahalin mo muna ang sarili mo.

Kung mahal na mahal mo ang sapatos mo, pero sinisara nya naman ang paa mo, balang araw, baka wala ka ng paa napaglalagyan ng mahal na sapatos mo.

2. Ok lang na bumili ng mura, pero isipin mo din, may kalidad ba? - Ok ba sya sa standards mo? Tatagal ba sya o sayang lang ang pera mo? Bibilin mo ba sya dahil gusto mo tagala sya o dahil convenient lang sya sa'yo?

3. And lastly, ok lang makinig paminsan minsan sa mga taong alam kong magbibigay sa akin ng honest opinion - May mga nakikita ang mga taong nakapaligid sa iyo na mahal ka din, na baka hindi mo nakikita kase kasalukuyan kang bulag sa alindog ng sapatos mo.

In short, pag sinabi nilang nagdudugo na ang paa mo, siguro dapat kang makinig at hubarin na ang sapatos mo.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *